Bakit ba kailangan nang tao ang calling card lalo na kung negosyante ka? Sa karamihan hindi naman ito mahalaga ngunit sa mga nakakaalam ang gamit nito ito ay importante.
Kwento ko nalang ang buhay ko at anu ang kinalaman nito sa aking pamumuhay. Nung una mahilig lang ako sa mga design na ginagawa sa computer. Wala naman sa calling card ang attention ko ngunit sa mga digital image enhancing at kung anu anu pang pwding magawa sa larawan gamit ang mga photo editor. Paint brush pa una kung natutunang photo editor, sumunod ang corel at pagkatapus naman ay photoshop. Inalam ko narin ang ibat ibang photo editor na pwdi kung pagaraalan. Sa ngayon photoshop ang ginagamit ko.
Minsan sa isang araw nang buhay ko ay may nagtanung na kaya mo ba gumawa nang Calling Card. Sumagot ako nang Oo at dun na nagsimula na magkaroon ako nang idea na pwdi ko pala itong pagkakitaan.
Ang Calling Card ay isang bagay na naglalaman nang informasyon tungkol sa mayari. Pangunahing nakalagay dito ang pangalan, and kung saan pwdi sya makontact. Eto naman ay ipinamimigay at nauubos din kaya maaring magpapagawa ulit kung wala na.
Naging negosyo ko ito simula 1999 ang unang printer na ginamit ko sa pag print ng calling card ay cannon bubble jet. Sa loob nang isang araw ay nakakapag pa order ako nang mahina sa limang piraso hangan 10 pirasong box na may lamang 100pcs. Eto ay binibenta ko sa halagang P200 gamit ang materyales na velum white na bibili ko sa National Bookstore.
