subscribe
Tawag Na: +63 922 879 9675  

Kumita nang Masaya, Pera at Ligaya.

Marami sa atin ang masaya ngunit wala naman pera. Meroon din namang maraming pera ngunit wala namang kasiyahan. Alin ka man dito sa dalawa ay marahil mas gugustuhin mo nalang maging masaya kahit wala kang pera.

Simulan natin sa pagiging masaya para alam natin kung san tayo babalik. Ang pagkita nang pera ay kaloob na lamang bilang ganti sa iyong mabuting gawa. Ang mga mabuting gawa ay nagdudulot nang maganda at kaakit akit na katangian ng pagkatao. Kung ikaw ay may ganitong katangian, hindi ka mahihirapan humarap at ipakilala ang iyong sarili sapagkat ito ang gusto ng mga tao. Importante ang may magandang katangian upang tayo ay magkaroon nang mga kaibigan.

Planuhin nati kung paanu tayo kikita nang pera. Alamin muna natin ang hilig nating gawin. Ang mga gusto at interest natin ay mahalaga dahil ito ang magbibigay sayo ng sigasig na maipagtuloy ang gawa ng hindi nahihirapan. Hindi mo mararamdaman ang pagod kung ang gawain ay gusto mo at nasa puso mo. Kung ikaw ay mahilig internet, pwdi ka kumita sa pag blog sa tulung nang mga “advertisement, sponsors, affiliate etc.” kung ikaw naman ay mahilig sa musika maari kang kumita sa “talent fee” ng pagtug-tug o pag-awit.

Ilan pa sa mga trabaho na magiging masaya ka habang ginagawa ito ay ang pagtulong sa kapwa. Hindi natin maitatago ang kasiyahan kung tayo ay may natutulungan. Katulad ito nang pagbibigay kaalaman o karunungan sa kapwa na nais rin guminhawa ang buhay. Isang magandang halimbawa nito ay ang pag ninegosyo.

Sa ganitong paraan ikaw ay kumikita nang masaya dahil ang ginagawa mo ay nasa puso.

Leave a Reply

Huling Sinulat

Ka Facebook

Web Rank Stats