subscribe
Tawag Na: +63 922 879 9675  

May Election Experience 2010

Natratrabaho parin ko simula hating gabi nang May 10, 2010 at pinili naming dumeretso na sa pagboto upang mauna kami sa pila kung maaga kami makakarating. Kaya naman alas singko 5:00am ay sinikap na naming makarating nang presinto sa may Pembo Elementary upang ihatid ang kasama ko na doon, nakarehistro. First time nya boboto kayat kailangan ko pa samahan ngunit hindi rin sya nakaboto sa dahilang wala ang kanyang pangalan sa voters list or sa book of voters na tinatawag. Masugid naman hinanap ang pangalang Ma.Lourdes Garcia ngunit hindi eto natagpuan kayat hindi narin kami nagtagal doon sapagkat kailangan ko namang dumeretso sa aking presinto. Mula Pembo, Makati ay magbiyahe pa kami sa UPIS Elementary School. Dumaan pa kami nag Central para malaman kumuha ng sipi ng sample ballot. Nalito ako sa distrito na aking kinabibilangan kayat kinuha ko nalang lahat nang sample at habang nasa daan ay napagalaman ko rin ang distrito na akin kinabibilangan. Mula alas otso 8:am ay nag hintay akong makaboto sa bagong kapamaraanan nang Commission on Elections (COMELEC).

Inabot ako nang tatlong oras sa pila bago makaboto, sa wala pang kaayusang pagtangap sa aming linya. Mangyari kc na pinauna nila ang mga Senior Citizen na nagresta sa pagbagal nang pila naming. Kung hindi pa naming naisigaw na alternate sana ang papasuking sa loob upang bomoto upang mabawasa din naman kaming mga nakapila. Ginawa nilang dalawang pila ang linya namin, ang isa ay sa mga Senior at ang pangalawa ay para sa aming kabataan. Naging alternate na ang pagpasok kayat gumagalaw narin ang linya namin. Bumilis ang aming pila na sana ay ginawa na nila nuong una pa lamang. Hindi sana kami aabuting nang tatlong oras 3hours na pagpila kung pinaghandaan nila ang mga ganitong sinaryo. Nakakapagtaka naman sa kabilang presinto ay alam nila ang magandang systema nang papapasok nang botante. Nagkataoon lang siguro na first time din nang mga mag aasist sa aming presinto kaya umabot kami nang ganung katagal.

Matapus kung bomoto inaya na ako nang tulog ngunit hindi naman maari pa dahil kailangan ko pa magmaneho. Wala nang kinalaman sa election ang sumunod naming lakad. At sa huli nakatulog din ako sa dakong alas dos medya 3:30pm nang araw nang Eleksyon.

Leave a Reply

Huling Sinulat

Ka Facebook

Web Rank Stats