subscribe
Tawag Na: +63 922 879 9675  

Nawalang K530i At Sim Card

Nawala ang cellphone ko, kasama ang simcard at mga contact number ang mga bagay na kailangan ko maibalik. Nawala eto noong ako ay bumibili ng “buscopan” gamut para sa sakit nang tiyan, sapagkat dun ko lang huling nahawakan ang cellpbone ko. Sigurado ako dahil sa jacket ng cellphone dun ko kinuha perang pinambili ko nang gamot. Sa malamang naiwan ko eto habang nagbabayad at dagli rin naman naput nang kung sino man.

And aking Sony-Ericson K530i
Nagamit ko eto simula nang binili ko eto nang Mayo 15, 2008 hangan sa nawala noong Pebrero 17, 2010. Maganda ang kuha ng kamera nito, binili ko eto dahil sa gusto ko gamiting pang konek sa internet, at para makinig din nang paborito kong musika.

Ang sim-card ko
Ang simcard ko naman ay may espesyal na numero mula talk n text eto ang numero ng sim card ko, 09208888108. Hay ang hirap pumili nang ganitong mamahaling number, kaya hangat maaari eton maibalik sa akin ay sisikapin ko.

Requirements para mabalik ang sim card
Para sa SMART User, dahil lang ang mga nakalista sa ibaba at ipakita sa Smart Wireless Center at re-claim your number.

  • 1. Affidavit of lost na may notaryo; Download Sample
  • 2. Magdala ng katibayan na ikaw nga ang may ari nang nawawalang simcard.
  • 3. Ipakita ang dalawang valid ID

Requirements para magkaroon ulit ng cell phone.
Kailangan nang pera upang makabili ulit. Bahala kana kung paano ka magkakaroon. Sa ibaba may mga kaparaanan ako para magkaroon nang pera.

  • 1. Magipon hangang sa maipon ang sapat nang halaga ng ibig mong cellphone.
  • 2. Sagutin muna ang boyfriend na magbibigay sayo ng pera.
  • 3. Makisuyo kay nanay na bigyan nang pera pag hindi nabuntis ngayon sem.

Konti lang ang mga hindi seryosong sagot sa tanung ko dahil hindi naman eto makakatulong. Eto ang mga seryosong sagot ko para magkapera.

  • 1. Una hilingin sa panalangin ang lahat nang bagay na gusto mo pera mang uri nang pangangailangan
  • 2. Sumampalataya ka na eto ay nasa mga kamay mo na at dapat kang magalak.
  • 3. Ipagpasalamat mo ang lahat nang bagay sapagkat nabigyan tayo nag pagkakataong mangarap.
  • 4. at sa huli, Hindi naman mahalaga ang lahat nang iyon kung hangan libing mo lang mababaon.
3 Comments
  1. Napalitan na ang simcard ko na nawala at katulad parin nang dating numero. Napunta ako sa Smart Wireless Center Gate Way Mall sa Cubao.

  2. XD natatawa naman daw ako habang binabasa ko ito, pero nakikiramay ako sa pagkawala ng cp mo ah..
    ang tinawanan ko lang ay ang: sagutin muna ang boyfriend na magbibigay sayo ng pera >_< super kulit XD..

  3. Hi makulay ka dito, tagalog version eto nang mga blog ko. Pag uuubus ang Ingles ko ay dito ako nag blog. I have my new phone already. Nokia 5530 express music. Ok pang facebook and pag update ng blog.

Leave a Reply

Huling Sinulat

Ka Facebook

Web Rank Stats